Foodie PH

All Food. Most of the time.

juanhand legit ola

Image by Nattanan Kanchanaprat from Pixabay

Gustong Umiwas sa Loan Scam? Legit JuanHand OLA ang Gamitin mo

Online Manila | Triccia Sucgang, Correspondent | Gustong Umiwas sa Loan Scam? Legit JuanHand OLA ang Gamitin mo | Kapag nasa gitna ka ng pinansyal na krisis, madaling mahulog sa mga tipikal na loan scam. Ang mga manloloko na ito na nagpapanggap bilang mga kagalang-galang na institusyong pampinansyal ay binibiktima ang kahinaan ng mga nangangailangan ng agarang tulong. Kaya napakahalaga na malaman kung anu-ano ang mga dapat suriin upang matiyak na mapagkakatiwalaan ang isang loan company.

Ano ba ang online loan scam o fraud?

Sa madaling salita, ang fraud ay ang pandaraya o ang sadyang panloloko sa iba sa pamamagitan ng pagbibigay ng mali o mapanlinlang na impormasyon, katotohanan, o mga numero. Ang loan scam o fraud ay kapag may nagbigay sa iyo ng pera sa ilalim ng maling pagkakakilanlan. Ang dahilan kung bakit binibigyan ka ng mga loan scammers ng pautang ay upang gawin ang isa o higit pa sa mga sumusunod:

  • Kumuha ng impormasyon na maaaring magamit upang makilala ka o ang iyong mga financial details, tulad ng iyong bank account, mga numero ng pagkakakilanlan, o numero ng credit card.
  • Makakuha ng legal na pagmamay-ari ng iyong ari-arian o pahintulot na gamitin ang iyong mga personal na account.
  • Mataas na mga rate ng interes at/o mga nakatagong bayarin
  • Singilin para sa mga kalakal o serbisyo na hindi mo talaga makukuha.

Paano makakaiwas sa online loan fraud?

Kung may plano kang makipagnegosyo sa anumang online na app ng pautang, magsaliksik muna ng mga sumusunod

  1. Rehistrado. Ang mga loan company at broker ay dapat may lisensya na nagmula sa Securities and Exchange Commission (SEC) para makapag-operate sa Pilipinas. Para sa kumpletong listahan ng mga kumpanyang pinahintulutan ng SEC, tingnan ang kanilang website. Kung ang kumpanya o grupo na iyong kinakaharap ay hindi nakalista, may posibildad na isang loan fraud ang kinasasangkutan mo.
  2. Kontakin ang opisina. Ang pagtawag sa lender o loan company sa pamamagitan ng telepono ay isang mabilis at madaling paraan upang suriin ang kanilang pagiging lehitimo. Dapat sa pag-search sa Google ay makikita mo na ang website ng isang kumpanya, at nakasaad doon ang kanilang contact numbers. Ang isang pisikal na lokasyon ng opisina ay lalong nagbibigay patunay sa isang kumpanya.
  3. Basahin ang Terms and Conditions. Ang lahat ng mga gastos at mga tuntunin ng isang loan ay dapat malinaw sa una’t sapul pa lang. Ang isang kagalang-galang na loan company ay hindi dapat humingi ng anumang bayad bago aprubahan ang utang. Kung ang impormasyong ibinigay tungkol sa loan ay hindi malinaw o hindi kasama ang mga aktwal na numero, dapat kang mag-ingat na baka ito ay isang scam.
  4. Siyasatin ang customer reviews. Maglaan ng oras upang basahin ang mga feedback na nai-post online ng ibang mga nanghiram na sa loan company. Ang mga reviews ay magbibigay ng kaunting liwanag kung paano ang pakikipagsundo sa isang partikular na institusyong pampinansyal.

Ano ang isang lehitimo at ligtas na paraan ng pagloan online?

Ang JuanHand online loan app ay isang moderno, ligtas, at legit na solusyon na serbisyong pinansyal sa Pilipinas. Nagbibigay ito ng agarang pagpapautang at iba pang personalized na serbisyong pinansyal sa mga Pilipino sa pamamagitan lamang ng isang smartphone, anuman ang kanilang credit history. Ang JuanHand ay ligtas sapagkat gumagamit ito ng secure na financial technology na nagpoprotekta sa data ng mga customer nito.

Ang JuanHand, na pagmamay-ari ng WeFund Lending Corporation, ay binigyan ng lisensya ng SEC na may Company Registration No. CS201825672 at Certificate of Authority No. 2844. Para sa sinumang gustong mag-verify, ang impormasyong ito ay makikita sa SEC website. Ang JuanHand ay isa ring submitting entity ng Credit Information Corporation (CIC), na higit pang nagpapatunay ng awtoridad nito bilang isang institusyon ng pagpapautang.

Ang JuanHand ay hindi lamang may lehitimong website (https://www.juanhand.com), ngunit mayroon din silang opisina sa Metro Manila. Ang kanilang site office ay matatagpuan sa address na ito: Trade and Financial Tower, 32nd St. Cor. 7th Ave., BGC Taguig, Philippines 1630. Maaari silang makontak sa pamamagitan ng sumusunod:

juanhand office schedules

Sa pag-download at pag-install ng JuanHand app, ipapa-suri sa iyo ang kanilang komprehensibong Privacy Policy upang matiyak ang iyong proteksyon. Sinisigurado nila na ang lahat ng impormasyon ng kliyente ay protektado at naka-encrypt sa ganap na pagsunod sa mga regulasyon ng NPC at walang hihilingin na confidential information nang wala ang iyong pahintulot. 

Maaari mo ring imbestigahan ang mga review at rating ng JuanHand sa Google Playstore o sa App Store. Ang mga ito ay magbibigay sa iyo ng direktang kaalaman kung gaano kapaki-pakinabang, simple, at legit ang JuanHand.

***

Huwag maging biktima ng panloloko sa pautang– iwasan ma-scam sa pamamagitan ng sapat na pagsusuri. Ang pagpili ng isang legit at ligtas na kasosyo sa loans ay mahalaga, at sa mga panahong ito, ang JuanHand ang dabest na pwedeng piliin.

Image by Nattanan Kanchanaprat from Pixabay