Foodie PH

All Food. Most of the time.

JuanHand: Safe, Legit, Walang Harassment

Image by Christoph Meinersmann from Pixabay

JuanHand – Safe, Legit, Walang Harassment

Online Manila | JuanHand – Safe, Legit, Walang Harassment  | Dulot ng mga matitinding pagsubok sa panahon ngayon, malaking tulong sa mga Pilipino ang mga legit na online loan apps (OLA) para pondohan ang mga agarang pangangailangan sa pera. Sa pagsusuri namin, ang JuanHand ay isa sa pinaka epektibo, mahusay, at maaasahan na OLA.

Isa-isahin natin ang mga kabutihan na naidudulot ng JuanHand online loan app:

Kahit Kailan, Kahit Saan

Dahil ang aplikasyon para sa online na pautang sa JuanHand ay sa pamamagitan lamang ng mobile app, pwedeng-pwede ito gawin mula sa bahay o kahit saan man, at sa anumang oras ng araw. I-download lamang ang JuanHand app at simulan ang proseso ng pag-apply ng pautang. Talagang ang tulong pinansyal na ito ay malaking tulong para sa mga nangangailangan ng pera para sa emergency cases.

Simpleng Requirements

Ang sinumang Pilipino na edad 18 hanggang 60 taong gulang, may stable income, at may valid goverment ID ay maaaring humiram mula sa JuanHand online loan app. Hindi na kailangan ng ibang mga dokumento na kadalasan ay hinihingi kung ikaw ay mag-aapply ng loan sa bangko.

Hindi Kailangan ng Bank Account

Ang isang deposit account sa isang bangko ay hindi requirement para magloan sa JuanHand. Sapat na ang GCash o remittance centers para makuha ang iyong kailangan na pera, pati na rin sa pagbayad.

Mabilis na Pag-apruba

Ang JuanHand online loan app ay hindi humihingi ng maraming dokumento, kaya mas madaling maaprubahan ang aplikasyon sa pautang. Kadalasan, pagkatapos magsumite ng aplikasyon, maaapruba agad ito at matatanggap mo ang pera sa loob ng ilang minuto lamang.

Walang Harassment at Pagpapahiya

Kung hindi ka makabayad ng utang sa loob ng oras na tinakda, asahan mo na mayroong tatawag sa iyo, at maayos makikipag-usap na representative ng JuanHand.  Walang harassment o pagpapahiya na magaganap tulad ng mga inirereklamo ng customers tungkol sa ibang online loan apps. Sigurado ka na sa tamang paraan ang mga gawain ng JuanHand OLA.

Noong ilang nakaraang taon, napakaraming Online Loan Apps (OLA) na ang nabalitang nagkaroon ng kaso sa National Privacy Commission (NPC) dahil sa mga reklamo ng mga app users. Nagsasabi sa mga artikulo tulad nito ang tungkol sa harassment at shaming ng mga OLA.  Nabalita na rin ang mga ganitong kaso mula pa noong 2019 tulad ng artikulong ito na umiikot sa paglabag ng maraming OLA hinggil sa hindi wastong paggamit ng impormasyon ng mga users nito.

Ang JuanHand ay hindi kabilang dito, at mahigpit na sumusunod ito sa mga palatuntunan ng NPC. Makakatiyak kang ligtas gamitin ang JuanHand dahil ang lahat ng impormasyon ng kanilang users ay protektado at naka-encrypt. Sumusunod sila sa Data Privacy Act (2012) at walang kumpidensyal na impormasyon ang hihilingin nang wala ang iyong pahintulot.

Siguradong Safe at Legit

Rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC) ang JuanHand sa ilalim ng WeFund Lending (ang nagmamay-ari ng JuanHand). Ang kanilang Company Registration Number ay CS201825672 at Certificate of Authority Number 2844. Maari ito ma-double check sa SEC website

Bukod pa dito, maraming ka-partner ang JuanHand na mga kilala at pinagkakatiwalaang mga kumpanya tulad ng UnionBank, Lazada, Sun Life Grepa, SkyPay, Multysis, FinScore, Trusting Social, at CIBI Information Inc. 

Kung nais mo na rin subukan ang JuanHand online loan app, bumisita sa kanilang website: https://www.juanhand.com. Makikita rin ang iba pang karagdagang kaalaman tungkol sa JuanHand sa kanilang official FB page, pati na rin sa kanilang Instagram, Tiktok, at YouTube.

Ang misyon ng JuanHand ay makapagbigay ng maginhawa, mabilis, maaasahang serbisyong pinansyal para matulungan ang lahat ng Pilipino, at inaasahan nila ito gawin sa pamamagitan ng Bayanihan– ang pagkakaisa at pagtutulungan. Napapanahon naman talaga ito sa ating kalagayan ngayon, pati na rin sa ating hinaharap.